Sa mata ng isang Pinoy sa Austria – ang pahayag ni Ralph T. Chan tungkol sa paglalakbay sa Bicol

Marhay na aldaw saindo gabos o Magandang araw sa inyo lahat!

Ako po ay si Ralph Tordilla Chan – isang Filipino na pinanganak, lumaki at naninirahan ng buong buhay na dito sa Vienna, Austria at palagi na masaya at maligaya kung nakakabisita sa Pilipinas.

Bago ko sa inyo ikwento ang mga na esperyensa at mga rekomendasyon ko sa Bicol, gusto ko po muna ipakilala ang sarili ko sa inyo. Ito ang pinakauna kong artikulo na isinusulat sa ating sariling wika kaya paumanhin kung hindi pa masyadong diretso ang Tagalog ko dito. Lumaki sa ibang bansa, mahirap na isipin na isang matinding laban ang matuto ng sariling wika at lalo na para sa isang bata na hindi naman lumaki kasama ang mga kapwa pinoy, pinsan na nagsasalita ng Tagalog o ibang miyembro ng pamilya. Bilang nag-iisang anak isa sa mga layunin ko at ng mga magulang ko ay matuto ako hindi lang magsalita, magsulat pero marunong din mag makisalamuha, maintindi at gawin ang pamantayan sa kulturang pilipino. Alam ko at sarili kong naranasan yan lahat – yun iba nga meron krisis sa pagkakakilanlan – kahit na iba man tayo sa lahat, huwag natin kalimutan na nag-iisa tayo mga Filipino. Kailangan maiintindi ng mga bata at magulang na kayamanan na marunong sila ng sariling wika nila. Ito ay sariling opinyon lang naman.

Ang talagang layunin ng artikulong ito ay ipakita ang kagandahan ng Pilipinas lalo na ng Bicol Region mula sa mga mata ng isang Filipino na nasa Austria, sa Europa.

Magsisimula ako sa pagsalaysay ng bakasyon ito sa pag-alis ko sa Austria papuntang Pilipinas pagkatapos ng tatlong taon. Pagkaraan ng mahabang panahon nagkabalik ako muli sa bansa na isinilang ang mga magulang ko at naninirahan ang karamihan ng pamilya ko. Naglakbay ako kasama ko ang pamilya ko halos isang araw kasi matagal ang biyahe at malayo ang Pilipinas sa Austria.

Sa paglapag lang ng eroplano alam ko na, na ikakasiya ko ang vacation na ito kasi kinailangan ko talaga. Isang taon na pag-aaral at pagtatrabaho, nawalaan na ako ng enerhiya at pagganyak para tapusin ang estudyo ko sa sosyolohiya at heograpiya. Sa paglabas lang ng paliparan nadama ko na ang ayaw ko sa Pilipinas – ang sobrang init na parang malagkit na pawis na nararamdaman mo sa iyong balat at syempre ang trapiko sa Metro Manila.

Ang unang mga araw sa Pilipinas parang bago lahat sa akin ang mga nakikita ko sa kalye, pero madami din ako nakikilala uli. Bago kami lumipad papuntang Bicol, nanatili muna kami sa Maynila. Doon nag pasyal kami sa mga malls kagaya ng SM Mall of Asia at ibang lugar kasama ang pamilya ng tatay ko. Pagkatapos ng mga dalawang araw nag-alis na kami sa Maynila at naglakbay kami sa pamagitan ng kotse papuntang Bicol.

Ito ang unang pagkakataon na makaranas ako ng ganyan kaya tuwang-tuwa ako kasi nakita ko ang mga ibang bayan at lalawigan ng Luzon. Bukod dito mas nasayahan ko ang biyahe na yon kasi nakita ko ang kultura at pamumuhay ng mga kapwa Pilipino natin. Nagbiyahe kami ng mga sampung oras pero parang hindi kay tagal. Sa Bicol naman tumira kami sa bahay ng mga lolo at lola ko kasama ang ng mga pinsan at auntie ko na naninirahan na doon. Palagi masaya pero ito ngayon ay espesyal para sa akin – nakilala ko ang mga bagong henerasyon ng pamiya Tordilla – ang mga anak ng mga pinsan ko. Madami ako naranasan na gusto ko ipakita ang magagandang pwede gawin at lugar sa Bicol. Narito ang ilang mga rekomendasyon ko:

Relihiyon:

Kapag gusto niyo maka-esperyense ng mga makasaysayang monumento o relihiyosong pamana bisitahin ninyo ang Naga Metropolitan Cathedral at ang Peñafrancia Parish, ang tahanan ng Our Lady of Peñafrancia. Kung gusto niyo naman makita ang kultura ng mga Bicolanos mag punta kayo sa September sa The Peñafrancia Festival.

Sports gawain:

Ang pwedeng susunod na puntahan ang mga sports complex kagaya ng Metro Naga Sports Complex o ang kilala na CWC – ang Cam Sur Watersports Complex kung saan pwede kayo mag wakeboarding. Siguradong pagkatapos ng niyan gutom na gutom kayo.

Oras ng paglilibang:

Ang marerekomenda ko ang Magsaysay Boulevard kung nasaan ang mga shopping malls kagaya ng SM City Naga o ang bagong bukas na Robinsons Place Naga o mga bars at iba-ibang restaurants. Kung interesado naman kayo sa kalikasan o sa organic products magbisita kayo sa MikeLiz Integrated Farm sa Calabanga.

 

Food trip:

Halimbawa na lang ang Bob Marlin – na napakasikat at masarap na Crispy Pata – o ang Chef Doy’s. Ibang food experience naman ang ibibigay sainyo ang sili ice cream o sili shake ng 1st Colonial Grill.

Iba pang mga destinasyon:

Hindi lang naman Naga City ang pwede ninyo puntahan, sumakay lang kayo ng bus at maglakbay kayo papunta sa mga ibang lungsod ng Bicol kayaga ng Legazpi City sa Albay para mag Mayon ATV Tour kayo o ibang barangay ng Camarines Sur, Camarines Norte, Albay, Catanduanes, Masbate at Sorsogon.

Kaya hindi talaga ako naiinip kung nasa Pilipinas ako. Palagi ako nandiyan kasi mahalaga at puno ng mga alaala ang Bicol para sa akin. Kaya hindi lang “It’s more fun in the Philippines” kundi “Chasing shadows sa magayonon na Bicolandia”


Ralph finished his Master Studies in Sociology and Geography at the University of Vienna and currently works at the Department of Sociology.

Feedback erwünscht!